1.
Noong unang panahon may napakalaking baboy ramo.
Dahil sa matakaw siya, kain siya nang kain hanggang
KINAIN niya ang pananim ng mga taga-CAINTA.
2.
Nagalit ang mga tao sa baboy kayat hinabol nila ang dambuhala.
Hinabol nang hinabol nila ang baboy. Sumigaw sila:
"TAYo na, TAYo na" sa katabing bayan ng TAYTAY.
3.
Sa paghahabol, nakarating sila sa kasunod na bayan.
Doon nagulat nila ANG NUNO ng ANGONO.
4.
Ginising nila ang mga natutulog sa karatig bayan;
Kaya nga BUMANGON ang mga taga-BINANGONAN.
5.
Ngunit nagalit ang baboy ramo at biglang sinugod ang mga tao.
NapaORONG ang mga humahabol doon sa MORONG.
Nagpatulong sila sa mga naghuhukay sa daan.
Kaya't hinabol ang baboy ng mga taong may hawak na BARAS doon sa bayan ng BARAS.
6.
Nagpatulong din sila sa mga naglalaba sa tabing ilog.
"TAYO NA NANAY," sigaw nila sa mga taga-TANAY.
7.
Nang dumating sila sa matarik na bundok PILING PILI NA ang mga nakahabol sa baboy doon sa PILILLA.
8.
Dahil sa bilis ng takbo ng baboy Nabanga niya ang isang punungkahoy.
Doon nabaon ang kanyang PANGIL sa bayan ng PANGIL.
9.
Hinabol ng mga manlililok ng karatig bayan ang dambuhala;
Hawak-hawak pa nila ang PAET, na ginagamit sa paglililok sa bayan ng PAETE.
10.
Sa sumunod na bayan, ang mga tao at ang dambuhalang baboy doon LUMABAN kaya ngat pinangalanan itong LUMBAN.
Natalo ang baboy pagkatapos ng matagal na labanan.
Siyay nilitson at PINAGSALUHAN doon sa bayan ng PAGSANJAN.
click here to go to the Drawings for the story of the runaway wild pig.